The Anonymous Coward

Umpisa ng isang adbentyur sa japan

September 10, 2006

Nasa japan ako ngayon.

Pinadala ako ng aking company. Nagpapadala sila kada-dalawang buwan ng engineers dito. Sa kabutihang palad, isa ako sa napili. Dalawang buwan ako dito. Dapat noong Sept. 3 pa ako lilipad kaso na-delay ang aking visa. Hindi pa daw tapos ang verification sabi nung clerk sa embassy.

Nakuha ko yung visa ko Sept. 5. Lumipad ako Sept 7. Di tulad ng sentimyento ni Mishap, malugod naman nilang ni-process ang aking visa. Hindi rin ako nahirapan dun sa interview. Ewan ko. Dahil na din siguro company sponsored yung byahe ko kaya medyo madali ang pag-process. Medyo kilala din kasi yung company namin sa Japan.

Uneventful ang byahe. Maaga akong nag-check-in para maka-upo sa window seat. Pwede naman pala magdala ng liquids. Basta sa checked-in luggage mo ilagay. Antay ng isang oras. Basa ng ebook sa XDA. Yung Smoke and Mirrors ni Neil Gaiman. Maganda sya. Meron dun mga kwento ng sarili nyang "take" sa mga usual na kwento. paborito ko yung version nya ng Snow White. Meron akong paperback nun pero mas madali magdala ng pda.hehe.

Dumating oras ng boarding. Pila. TIngin-tingin sa tabi. Magaganda talaga mga haponesa. Weakness ko ang mga chinita. 4 hours ang byahe. XMEN ang palabas sa eroplano. Nagbasa lang ako ng newspaper- Philippine Star. Wala kasing Inquirer. Mas gusto ko ang Inquirer. Mas readable sya para sa akin kesa sa ibang broadsheets. Natulog matapos magbasa.

Lumapag ang eroplano 8PM ng gabi. Matapos ang isang oras, nasa labas na ako ng airport. Nag-aantay ng bus papunta sa hotel. Isa't kalahating oras ang byahe. Sa Shinjuku Washington Hotel ako nag-stay sa gabi na yun. Parte ito ng Tokyo. Pahinga saglit pagkatapos ay bumaba sa 1st floor. Bumili ng pagkain. Balik sa kwarto. Nanood ng TV. Puro japanese ang palabas (but of course!). Di ko man maintindihan, ayos lang. Sulit na rin na makakita ng mga wierdo na commercials.hehe. Promise, may pagka wierdo yung iba nilang patalastas.

Pagdating ng alas-dose inaantok na ako. Tulog.

Hello Japan.

Posted by cow at 3:48 pm | permalink

Previous Comments

wow. san ka nagtatrabaho, anong company, una, baka maging inhinyero din ako sa hinaharap, sa april, kung papalarin… pangalawa,,,gusto kong magpunta ng japan, actually gusto kong maging hapon.. hehe…. nahawa ako sa tagalog mu hehehe…. gusto ko pumunta jan!!!!!!!!!!!!!!!!

Posted by kenna at September 19, 2006, 12:18 am

Hi kenna. Thanks for visiting. If i told you the company i work for, then I am no longer an anonymous coward am I. hehehe.

Ok serious na ito. Nag-aaply lang ako sa company na ito kasi gustong-gusto ko tong trabaho. Icing in the cake lang itong trip sa Japan.

Swerte lang at nagpapadala sila ng mga tao sa ibang bansa (at japanese addict din ako tulad ng madami kong kakilala.hehe).

If you really want to go to Japan then i suggest you apply to Japanese companies in the Philippines.

Nagwork ako dati sa Fujitsu (sa Canlubang). Pagawaan ng Hard disk. Nagpapadala sila dun ng mga engineers sa Japan. 6 to 8 months. Pag-aaralin ka pa ng Nihongo. Yung friend ko naman sa Sanyo (sa Tarlac). Nagpapadala din sila.

HTH.

Posted by cow at September 19, 2006, 8:27 am

Add a comment








About Me

i am cow - the anonymous coward.

cow is in his mid-late-20s, working for an IT security company.

previously worked as an IT guy at a hotel in Makati for 6 months (taga kabit ng hidden cam.hehe.)

he likes to take pictures, the smell of freshly cut grass, and walking barefoot along the beach.

spent sleepless nights playing Heroes of Might and Magic II when it first came out.

    

Latest Comments