Kapag pumapasok ako ng office at pasakay na sa subway palagi kong naa-alala ang Densa Otoko. Makulit ang japanese TV series na yun. Kwela.
Nga pala kakapalabas pa lang nung Densha Otoko deluxe noong September 23. Tagal ko ding naghintay na ipalabas yun pero parang hilaw yung kwento. Mas gusto ko pa din yung sa tv series. Maganda lang yung sa una (Domo Arigato Mr. Roboto. hehe) at yung first scene nila sa restaurant.
Si mina-san. Sya yung fictional anime series na ginawa ng Gonzo (isang japanese anime studio na gumawa rin ng GateKeepers/hellsing/Last exile atbp) para sa densha otoko.
Yung opening animation ay homage daw dun sa Daicon IV music video (sci-fi convention na ginanap sa Osaka noong1983). Maganda yung Daicon video para sa isang animation na gawa nung 1983.
Try mong i-click yung link ng Daicon dyan sa taas, madami kang makikitang familiar na mukha.
A reply that is a month late. haha.
Try to watch Proposal Daisakusen if you get the time. I think you’ll love it.
=)
Posted by cow at May 21, 2008, 5:19 am
Densha Otoko!
ang una kong Japanese drama na napanood. Haaay! baket nga ba yun yung una? Ewan.
Pero na-culture shock ako dun. Grabe! Nangingisay si Densha Otoko pag kausap nya si Hermes! At ang daming Hapon na panatiko ngmga anime tawag sa kanila Otaku.
At kahit na-culture shock ako. Na-enjoy ko sya! Sweet kasi napasagot nya si Hermes sa drama.
Posted by Alria at April 11, 2008, 11:10 am