Dyip. Ang transportation of choice ng karamihan sa mga pinoy.
Masarap magbyahe sa dyip pag medyo gabi na. Walang masyadong trapik. Nakakagaan ng loob habang nilalaro ng hangin ang iyong buhok. Unti-unting dinadala ang stress na dulot ng trabaho.
Masaya din kapag magkatulad kayo ng musical taste ng driver ng dyip. Minsan napasakay ako sa dyip. Driver nya matanda. Nasa 50's na siguro . Nakikinig sa NU 107. The Crossroads (nice!). Minsan naman napasakay ako sa teenager na driver. Nakikinig ng album The Dawn album (nice! nice!). Casette tape pa! Malamang dumedede pa yun nung kasikatan nung banda.
Yung dyip na nasakyan ko kanina. Medley ng new wave galing sa 80s. iisa lang ang beat. Tug-pah tug-tug-pah Tug-pah tug-tug-pah (multiplied to infinity). Nagsawa ata ang tsuper at naghalungkat ng burned CD sa kanyang "dashboard". Pinasok sa kanyang CD player. CD player na sa totoo ay CD drive ng computer. Kinabitan lang ng converter para gumana gamit ang baterya ng dyip. Pinindut ang play button. Air Supply! Two less lonely people in the world and its gonna be fine. Nyahaha. Anyways this brings back memories. I confess. Dumaan din ako dyan nung high school. Puro air supply at barry manilow ang pinakikinggan. Being in love at that tender age does that to people.
Anyways, swerte mo kapag may magandang babae na nakasakay kasama mo sa dyip. Hindi boring ang byahe. Mga nakaw na sulyap galing sa mga lalaki. At kapag pumara na ang babae iisa lang ang kanilang nasa isipan, time to glorify a lady's butt.
I remember that when i was little, i wanted to be a “konduktor” the person who gets the fare for the passengers. i want to have all the paper money folded in between my fingers like a fan.
@JPLoh
lolz.di ko nga alam bat napunta dun yung usapan eh. hehehe. ganun talaga yun. pansinin mo pag nasakay ka ng dyip minsan.
@Cheska
thanks for visiting (again!). i know children who plays doctors and nurses, and some who plays bahay-bahayan but you are the first i heard of that plays “konduktor”. nice. different is nice in my book. anyways when i was a kid we always play baril-barilan. we call it NPA’s and Army (now i think children call this “counterstrike”.lolz.). me with the neighborhood kids. we’d go to the field at the back of the house and play all afternoon. until our nanay would shout at the top of their lungs. calling us to go home or else palo ang pwet.
:)
Posted by cow at April 2, 2007, 12:15 am
Hehehe.. Ganda ng conclusion.
Posted by JP Loh at March 31, 2007, 1:14 pm