Maaga kaming umalis ni jun kanina sa office. Sya yung kasama kong pinadala dito ng kompanya namin. Wala kasing gaanong trabaho. Pumunta kami sa downtown. Shinjuku. Kain daw kami ng ramen dun. Meron daw syang alam na kainan dun pero di na nya matandaan kung saang banda. Ako naman na gustong gusto ng adventure um-oo agad. Malapit daw to sa 100 yen store at Mcdo.
Lakad kami. Mga 15 minutes. Syempre gumagana ang eagle eyes. hehehe. Girls in mini-skirts and big boots. =)
Kailangang pumasok sa isang street para makapunta dun sa pagkakainan. May sumabay sa amin habang naglalakad. Hapon din. Naka-amerikana. Biglang nagsalita. "Excuse me, would you like some live show. 4000 yen only". Di namin pinapansin. "We got beautiful ladies. How about massage?". Nyahahaha.
May baboy na statue sa harap ng shop. Pagpasok, isang countertop lang. Dalawang matanda ang nagbabantay. Mag-asawa yata. Order kami ng ramen. 500 yen. Isang malaking bowl bigay sa amin. Sulit na din. Tulo sipon sa init. Hehehe.
Totoo ang sabi nila. Maliwanag ang gabi sa Tokyo.
Pauwi na kami, papuntang Shinjuku Station nang may madaanan kaming banda na tumutugtog sa tabi ng daan. Tatlo lang sila. Mga teenager. Isang drummer, isang bahista at isang Trombone player (trombohista?). Di ko alam kung anong genre ang tinutugtug nila. Mukhang jazz or blues. Malamang jazz kasi medyo upbeat ng konti yung music. Instrumental lang pero galing. Parang hawig dun sa ibang kanta sa soundtrack ng Cowboy Bebop. Meron akong 3 CD album nito. Diverse ang sountrack niya. Halong jazz, blues at carribean rock. Check nyo ang blue, want it all back at piano bar.
Di ko alam kung anong festival ang dinaraos nila ngayon (matanong nga) pero may mga lanterns na nakasabit sa tabi ng kalsada papuntang apartment. Mas maganda to pag personal.
Poster ni Mr. Spock sa subway sa Shinjuku. Di ko alam kung anong nakasulat. DVD release ata ng series.
Si Spock ang First Officer ni Captain James T. Kirk sa Starship Enterprise.
Mas gusto ko pa din ang Star Trek: Voyager. =)
Dumaan ako sa 7/11 kaninang pauwi sa apartment. BIbili ng dinner. Yung pwedeng i-microwave. Tinatamad kasi akong magluto
Hanap sa mga naka-display. Ito pork-something with rice. Dinala ko sa counter tapos may tinatanong yung 7/11 guy. Di ko maintindihan.
"Sorry, english please", sabi ko. "No english", sabi nya.
Tinuro nya yung dinner ko tapos tinuro nya yung microwave. (Tinatanong kung imamicrowave nya na).
"No no take out please", dagdag ko.
"Ei?", tanong nya.
TInuro ko yung dinner ko, tinuro ko yung sarili ko, tinuro ko yung pintuan.
"Ah", sambit nya sabay ngiti.
Palabas na ako sa 7/11, sabi ko sa sarili ko "This is gonna be interesting."
Nasa japan ako ngayon.
Pinadala ako ng aking company. Nagpapadala sila kada-dalawang buwan ng engineers dito. Sa kabutihang palad, isa ako sa napili. Dalawang buwan ako dito. Dapat noong Sept. 3 pa ako lilipad kaso na-delay ang aking visa. Hindi pa daw tapos ang verification sabi nung clerk sa embassy.
Nakuha ko yung visa ko Sept. 5. Lumipad ako Sept 7. Di tulad ng sentimyento ni Mishap, malugod naman nilang ni-process ang aking visa. Hindi rin ako nahirapan dun sa interview. Ewan ko. Dahil na din siguro company sponsored yung byahe ko kaya medyo madali ang pag-process. Medyo kilala din kasi yung company namin sa Japan.
Uneventful ang byahe. Maaga akong nag-check-in para maka-upo sa window seat. Pwede naman pala magdala ng liquids. Basta sa checked-in luggage mo ilagay. Antay ng isang oras. Basa ng ebook sa XDA. Yung Smoke and Mirrors ni Neil Gaiman. Maganda sya. Meron dun mga kwento ng sarili nyang "take" sa mga usual na kwento. paborito ko yung version nya ng Snow White. Meron akong paperback nun pero mas madali magdala ng pda.hehe.
Dumating oras ng boarding. Pila. TIngin-tingin sa tabi. Magaganda talaga mga haponesa. Weakness ko ang mga chinita. 4 hours ang byahe. XMEN ang palabas sa eroplano. Nagbasa lang ako ng newspaper- Philippine Star. Wala kasing Inquirer. Mas gusto ko ang Inquirer. Mas readable sya para sa akin kesa sa ibang broadsheets. Natulog matapos magbasa.
Lumapag ang eroplano 8PM ng gabi. Matapos ang isang oras, nasa labas na ako ng airport. Nag-aantay ng bus papunta sa hotel. Isa't kalahating oras ang byahe. Sa Shinjuku Washington Hotel ako nag-stay sa gabi na yun. Parte ito ng Tokyo. Pahinga saglit pagkatapos ay bumaba sa 1st floor. Bumili ng pagkain. Balik sa kwarto. Nanood ng TV. Puro japanese ang palabas (but of course!). Di ko man maintindihan, ayos lang. Sulit na rin na makakita ng mga wierdo na commercials.hehe. Promise, may pagka wierdo yung iba nilang patalastas.
Pagdating ng alas-dose inaantok na ako. Tulog.
Hello Japan.
It appears that the website of Professional Regulation Commision has been defaced.
Rap sent me this screen print this morning.
From the looks of it, it is very much possible that this has been done through sql injection.
PRC website is still offline until now.