Merong mga bagay na maliliit na minsan, hindi mo inasahan na makakapagpa-kumpleto ng araw mo.
Papunta ako sa trabaho nung isang umaga. Mukhang mali-late na naman ako. Antay sa gilid ng daan. Sa may Rosario. Puro puno ang dyip ah. Ayoko namang sumabit. Umagang-umaga sasabit sa dyip. Huwag sa umaga masisira ang porma. Pwede pa siguro pag uwian na sa hapon. hehe.
Sa wakas, maya maya ay may dumaan na dyip. May bakanteng upuan. E di pumara ako. Medyo bad trip na ako kasi mukhang mali-late na naman ako sa trabaho (sayang wala na akong incentive sa perfect attendance for this month).
Pasok sa loob ng dyip. Pag-upo ko biglang binuksan ng drayber yung radyo nya. Syet, Bob Marley. Paborito ko pa naman 'to. At nilakasan pa. Cool naman tong drayber na 'to. Pansin man ang hissing sound ng kanyang speaker (Casette Tape lang kasi yung album na pinapatugtug) ayos pa din. Bob Marley kaya yan.
Riding that jeep was really a wonderful surprise. Tama nga naman ang sabi nung lolo ko, "This world is full of little surprises, some people don't notice them at all, too busy living their so called lives."